Sobrang pagod ang aking nararamdaman at ang sakit ng aking katawan.Ramdam ko ang pagod dahil sa aking trabaho. HIndi mahulugang karayom sa dami ng tao sa mall na pinagtatrabahuhan ko, dahil sa sale kaya gabi-gabi na ako nakauwi dahil nag-ayos pa kami ng mga paninda. Hindi ko inaasahan na sa aking pag-aaos ay may nakita akong wallet, ako nalang ang natitirang saleslady na nag-aayos ng gabing iyon, dahil ang mga kasama ko ay nagmemeryenda na, Hindi namang masama na tingnan ang laman ng wallet, kaya binuklat ko iyon lalaki ang may-ari ng wallet na iyon, may calling card, at may lamang sampung libong piso, mayroon ding mga nakaipit na papel. Inisip ko na ibigay sa aming Manager ang wallet na nakita ko, para maisauli ito sa may-ari. Ngunit nakauwi na pala ang aming Manager. Kaya kahit pagod ako pinilt ko pa ring hanapin ang address ng may-ari ng wallet dahil hindi ko sya makontak sa kanyang cellphone. Richard Jimenez ang pangalan ng may-ari. Agad ko namang natagpuan ang kanyang tinitirahan sa isang subdivision ng Pasay City sya nakatira. Agad akong nagdorbell.
ding dong..... ding dong....
Pinagbuksan ako ng isang lalaki.
" Magandang gabi po! " ang sabi ko,
Kayo po ba si Mr. Richard Jimenez?
"oo, ako nga.... bakit?" ang sabi niya.
" Sir napulot ko po ang wallet niyo... naiwan nyo po sa pwesto namin, kaya naisipan kong puntahan kayo dito para isauli ito sa into.." (sabay abot ng wallet sa kanya)
" Salamat sayo, kanina ko pa hinahanap ito... "
Ok. lang po yun Sir...
" Chard nalang itawag mo sa kin... Salamat nga ulit mahalaga kasi sa akin yung mga papel sa wallet ko eh, buti nalang ikaw ang nakapulot " (sabay ngiti)
Umuwi na ako matapos ng aming kwentuhan, nakatulog ako sa sobrang pagod. Naghanda na rin sa pagpasok kinabukasan. Napanaginipan ko pa si Chard kagabi ang kanyang maamong mukha, talagang napakabait ni Chard at masayang kausap, parang walang problema. Mabuti nalang at gwapo ang nagmamay-ari ng wallet na napulot ko, pero hindi na ako aasa na magkikita pa kami. hinawan ko ang aking dibdib sadyang napaka lakas ng tibok nito. Crush ko na sya sabi ko sa isip ko sabay ngiti.
Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho at nag-ayos ako ng mga paninda namin. Alas-otso ng umaga kami nagbubukas pero alas-siyete palang ay pumapasok na ako.
Napansin ng mga kasama ko na masaya ako ngayon, kung kaya't pilit nila akong inuusisa.
" Ana, napakasaya mo yata ngayon, mukhang may boyfriend ka na ahh... " (sabi sa akin ni Milleth)
" Wala naman, may nakilala lang akong bagong kaibigan.. pero ang cute nya..."
Itutuloy.........
Read more »
Hanapin ang Blog
Monday, September 19, 2011
Saturday, September 17, 2011
Noon: Nagkaibigan, Ngayon: Magkaibigan
Hindi pala talaga nasusukat sa haba ng pinagsamahan ang tibay ng isang relasyon..
Akala mo kayo na na talaga, dahil sa sobrang tagal na ng relasyon nyo, pero hindi pala, Sabagay ang mag-asawa nga naghihiwalay ang magkasintahan pa kaya?
Wala namang third party na involved, pero ewan ko... kung bakit biglang nawalan ako ng gana, nawala na ung kilig at sweetness....
Mahirap naman para sa kin kung ipagpapatuloy ang relasyon namin kung hindi ko na sya mahal. Sabi nga nila kung hindi mo na sya mahal ay pakawalan mo na, kesa naman parehas pa kaming magdusa. Kaya nakipag-break na ko sa kanya, kahit na alam kong masasaktan sya. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat sa kanya at ganun din sya sa akin, pero kung talagang hindi kayo, tadhana ang maghihiwalay sa inyo kahit walang mabigat na dahilan. At ganun nga ang ngyari sa amin.
Pero kahit ganon tinanggap ko sa sarili ko na hindi talaga kami pra sa isa't-isa, Syempre masakit rin sa akin yun, pero tinanggap ko na rin sa sarili ko. Pero pwede din naman kaming maging magkaibigan, sana nga naging magkaibigan nalang kami at di na kami nagkaibigan...
Pero ngaun mas naging open kami sa isa't-isa kesa nung mag-on kami. Masaya na rin kami sa relasyon namin ngayon bilang magkaibigan...

Saturday, August 27, 2011
Elisa Part - 2
Nalaman ni Vanessa ang nangyari, kinausap niya si Chester inamin naman ni Chester ang kanyang pagkakamali. Humingi ng tawad si Chester, At pinatawad naman siya ni Vanessa, pero ang hininging kapalit ni Vanessa ay maghiway na silang dalawa. Kahit masakit kay Chester ay pumayag din ito sa kagustuhan ng kanyang kasintahan. Samantala, tuwang-tuwa si Elisa dahil nagkahiwalay na ang dalawa. Niligawan ni Chester si Elisa, at naging magkasintahan sila. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabuntis si Elisa, pero hindi siya pinanagutan ni Chester dahil sa hindi pa raw ito at handa. Naiwang tulala si Elisa sadyang kay biis ng mga pangyayari sa buhay niya.
"Ito na ba ang karma ko? tanong ni Elisa sa kanyang sarili habang siya ay lumuluha, kung hindi ko sana inigaw si Chester kay Vanessa hindi sana mangyayari sa akin ito. Paano na yan, ano ang gagawin ko? paano ko sassabihin sa mga magulang ko ang kalagayan ko? baka hindi nila ako tanggapin" sabi ni Elisa.
Kaya sa sobrang kahihinyang nangyari sa kanila ay nagpakamatay nalang siya, na akala niya ay matatakasan niya ang kangyang mga problema, pero hindi pala. Nagpunta kami sa lamay niya, ang kawawang si Elisa bakat pa rin sa kanyang leeg ang pagpapahirap niya sa kanyang sarili.

Two timer (hindi tama yan)
Bakit kaya may mga taong "two timer?" Dahil ba hindi sya sigurado sa isa kaya may reserba pa? Dagdag pogi o ganda points ba iyon para sa kanila? At sila ang mga taong walang pakialam kahit na may nasasaktan na sila.
Kung inaakala mong sisikat ka sa ginagawa mo, pwes nagkakamali ka. Hindi porke kagwapuhan o kagandahan ka eh may karapatan ka ng maglaro.
Kung hindi mo kayang magseryoso sa isa eh wag ka ng makipagrelasyon, para wala ka ng masaktang ibang tao. Hindi mo ba iniisip na iyang ginagawa mo ay pwede ring gawin sayo. Kaya dahan-dahan lang lang sa pakikipaglaro, dahil baka dumating din ang panahon na ikaw naman ang paglaruan at kapag pinagsawaan ka na ay bigla nalang iwanan...

Thursday, August 25, 2011
Elisa Part - 1
Fourth year kami noon, naging kaklase namin si Elisa, Akala namin ay mabait sya, pero hindi pala, Balak lang pala niyang agawin ang boyfriend ng kaibigan kong si Vanessa kaya pala pilit niyang nilalapit ang loob niya kay Chester.(boyfriend ni VAnessa)Pero hindi naman sya pinapansin ni Chester.
Mahigit isang taon ng mag-on si Chester at si Vanessa. Hindi alam ni Vanessa na may pinaplano palang hindi maganda si Elisa. Kaya nang mag college kami kahit hindi gusto ni Elisa ang course na management ay nagenroll pa rin sya, dahil balak niyang sirain ang relasyon ni Vanessa at Chester. July 18 noon wala kaming pasok dun niya ginawa ang plano niya. Nagpunta siya sa bahay nila Chester, nagulat si Chester kung bakit nagpunta doon si Elisa. Si Chester lang ang tao sa bahay nila nung araw na iyon, kaya nagawa ni Elisa ang kanyang plano.
"Chester, gusto kita, gustong gusto talaga kita... layuan mo na si Vanessa, tayo nalang dalawa.." ang sabi ni Elisa sabay yakap at halik kay Chester. Nakita ko iyon, At sinabi ko sa kaibigan ko ang ginawa ni Elisa.
Syempre tao lang si Chester at nagpadala sya sa tukso at sa mga pang-aakit ni Elisa sa kanya. Kung kaya't may nangyari sa kanilang dalawa.
Natuwa si Elisa dahil tagumpay ang plano niyang sirain ang relasyon ni Chester at Vanessa. Sabagay sino nga namang lalake ang hindi maaakit kay Elisa dahil bukod sa maganda na ay sexy pa, pero sa kabila ng kagandahan niya ay masama naman ang ugali at mahina ang utak. Lahat ng gusto niya ay kinukuha niya sa paraang alam niya kahit pa may tao siyang masasaktan.
itutuloy......

Wednesday, August 24, 2011
Magkaibigan habang panahon
Naalaala ko ang mga kaibigan ko sa tuwing maririnig ko ang kantang
"Saan na nga Barkada".
Nung mga panahong magkakasama tayo sa inuman, sa gimikan, sa ligawan, sa mga kalokohan at para bang wala ng iniisip na bukas.
Pero sadyang napakabilis ng panahon....
Alam ko lilipas din ang isang araw
Isa isa tayong mababawasan, at bubuo ng pamilya, may lalayo at hahanapin ang pangarap,Pero sana ay hindi tayo maging tulad ng kanta na may katapusan.
Na kahit nasa malayo man ay magkakaibigan pa rin ang turingan.Pero habang nandito pa tayong lahat, gusto kong sabihin sa inyo na guys salamat sa lahat nakita at naranasan ko kung gaano kasarap mabuhay sa mundo lalo na kung kasama kayo....
Makakaibigan pa rin habang panahon.....

Subscribe to:
Posts (Atom)
Blog RSS Feed
Via E-mail
Twitter
Facebook