Hanapin ang Blog

Saturday, September 17, 2011

Noon: Nagkaibigan, Ngayon: Magkaibigan

Hindi pala talaga nasusukat sa haba ng pinagsamahan ang tibay ng isang relasyon..

Akala mo kayo na na talaga, dahil sa sobrang tagal na ng relasyon nyo, pero hindi pala, Sabagay ang mag-asawa nga naghihiwalay ang magkasintahan pa kaya?

Wala namang third party na involved, pero ewan ko... kung bakit biglang nawalan ako ng gana, nawala na ung kilig at sweetness....

Mahirap naman para sa kin kung ipagpapatuloy ang relasyon namin kung hindi ko na sya mahal. Sabi nga nila kung hindi mo na sya mahal ay pakawalan mo na, kesa naman parehas pa kaming magdusa. Kaya nakipag-break na ko sa kanya, kahit na alam kong masasaktan sya. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat sa kanya at ganun din sya sa akin, pero kung talagang hindi kayo, tadhana ang maghihiwalay sa inyo kahit walang mabigat na dahilan. At ganun nga ang ngyari sa amin.

Pero kahit ganon tinanggap ko sa sarili ko na hindi talaga kami pra sa isa't-isa, Syempre masakit rin sa akin yun, pero tinanggap ko na rin sa sarili ko. Pero pwede din naman kaming maging magkaibigan, sana nga naging magkaibigan nalang kami at di na kami nagkaibigan...
Pero ngaun mas naging open kami sa isa't-isa kesa nung mag-on kami. Masaya na rin kami sa relasyon namin ngayon bilang magkaibigan...

0 comments:

Post a Comment