Hanapin ang Blog

Saturday, August 27, 2011

Elisa Part - 2

Nalaman ni Vanessa ang nangyari, kinausap niya si Chester inamin naman ni Chester ang kanyang pagkakamali. Humingi ng tawad si Chester, At pinatawad naman siya ni Vanessa, pero ang hininging kapalit ni Vanessa ay maghiway na silang dalawa. Kahit masakit kay Chester ay pumayag din ito sa kagustuhan ng kanyang kasintahan. Samantala, tuwang-tuwa si Elisa dahil nagkahiwalay na ang dalawa. Niligawan ni Chester si Elisa, at naging magkasintahan sila. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabuntis si Elisa, pero hindi siya pinanagutan ni Chester dahil sa hindi pa raw ito at handa. Naiwang tulala si Elisa sadyang kay biis ng mga pangyayari sa buhay niya.

"Ito na ba ang karma ko? tanong ni Elisa sa kanyang sarili habang siya ay lumuluha, kung hindi ko sana inigaw si Chester kay Vanessa hindi sana mangyayari sa akin ito. Paano na yan, ano ang gagawin ko? paano ko sassabihin sa mga magulang ko ang kalagayan ko? baka hindi nila ako tanggapin" sabi ni Elisa.

Kaya sa sobrang kahihinyang nangyari sa kanila ay nagpakamatay nalang siya, na akala niya ay matatakasan niya ang kangyang mga problema, pero hindi pala. Nagpunta kami sa lamay niya, ang kawawang si Elisa bakat pa rin sa kanyang leeg ang pagpapahirap niya sa kanyang sarili.
Read more »

Two timer (hindi tama yan)

Bakit kaya may mga taong "two timer?" Dahil ba hindi sya sigurado sa isa kaya may reserba pa? Dagdag pogi o ganda points ba iyon para sa kanila? At sila ang mga taong walang pakialam kahit na may nasasaktan na sila.
Kung inaakala mong sisikat ka sa ginagawa mo, pwes nagkakamali ka. Hindi porke kagwapuhan o kagandahan ka eh may karapatan ka ng maglaro.
Kung hindi mo kayang magseryoso sa isa eh wag ka ng makipagrelasyon, para wala ka ng masaktang ibang tao. Hindi mo ba iniisip na iyang ginagawa mo ay pwede ring gawin sayo. Kaya dahan-dahan lang lang sa pakikipaglaro, dahil baka dumating din ang panahon na ikaw naman ang paglaruan at kapag pinagsawaan ka na ay bigla nalang iwanan...
Read more »

Thursday, August 25, 2011

Elisa Part - 1

Fourth year kami noon, naging kaklase namin si Elisa, Akala namin ay mabait sya, pero hindi pala, Balak lang pala niyang agawin ang boyfriend ng kaibigan kong si Vanessa kaya pala pilit niyang nilalapit ang loob niya kay Chester.(boyfriend ni VAnessa)Pero hindi naman sya pinapansin ni Chester.
Mahigit isang taon ng mag-on si Chester at si Vanessa. Hindi alam ni Vanessa na may pinaplano palang hindi maganda si Elisa. Kaya nang mag college kami kahit hindi gusto ni Elisa ang course na management ay nagenroll pa rin sya, dahil balak niyang sirain ang relasyon ni Vanessa at Chester. July 18 noon wala kaming pasok dun niya ginawa ang plano niya. Nagpunta siya sa bahay nila Chester, nagulat si Chester kung bakit nagpunta doon si Elisa. Si Chester lang ang tao sa bahay nila nung araw na iyon, kaya nagawa ni Elisa ang kanyang plano.
"Chester, gusto kita, gustong gusto talaga kita... layuan mo na si Vanessa, tayo nalang dalawa.." ang sabi ni Elisa sabay yakap at halik kay Chester. Nakita ko iyon, At sinabi ko sa kaibigan ko ang ginawa ni Elisa.
Syempre tao lang si Chester at nagpadala sya sa tukso at sa mga pang-aakit ni Elisa sa kanya. Kung kaya't may nangyari sa kanilang dalawa.
Natuwa si Elisa dahil tagumpay ang plano niyang sirain ang relasyon ni Chester at Vanessa. Sabagay sino nga namang lalake ang hindi maaakit kay Elisa dahil bukod sa maganda na ay sexy pa, pero sa kabila ng kagandahan niya ay masama naman ang ugali at mahina ang utak. Lahat ng gusto niya ay kinukuha niya sa paraang alam niya kahit pa may tao siyang masasaktan.
itutuloy......
Read more »

Wednesday, August 24, 2011

Magkaibigan habang panahon

Naalaala ko ang mga kaibigan ko sa tuwing maririnig ko ang kantang
"Saan na nga Barkada".

Nung mga panahong magkakasama tayo sa inuman, sa gimikan, sa ligawan, sa mga kalokohan at para bang wala ng iniisip na bukas.
Pero sadyang napakabilis ng panahon....
Alam ko lilipas din ang isang araw
Isa isa tayong mababawasan, at bubuo ng pamilya, may lalayo at hahanapin ang pangarap,Pero sana ay hindi tayo maging tulad ng kanta na may katapusan.
Na kahit nasa malayo man ay magkakaibigan pa rin ang turingan.Pero habang nandito pa tayong lahat, gusto kong sabihin sa inyo na guys salamat sa lahat nakita at naranasan ko kung gaano kasarap mabuhay sa mundo lalo na kung kasama kayo....
Makakaibigan pa rin habang panahon.....


Read more »