Fourth year kami noon, naging kaklase namin si Elisa, Akala namin ay mabait sya, pero hindi pala, Balak lang pala niyang agawin ang boyfriend ng kaibigan kong si Vanessa kaya pala pilit niyang nilalapit ang loob niya kay Chester.(boyfriend ni VAnessa)Pero hindi naman sya pinapansin ni Chester.
Mahigit isang taon ng mag-on si Chester at si Vanessa. Hindi alam ni Vanessa na may pinaplano palang hindi maganda si Elisa. Kaya nang mag college kami kahit hindi gusto ni Elisa ang course na management ay nagenroll pa rin sya, dahil balak niyang sirain ang relasyon ni Vanessa at Chester. July 18 noon wala kaming pasok dun niya ginawa ang plano niya. Nagpunta siya sa bahay nila Chester, nagulat si Chester kung bakit nagpunta doon si Elisa. Si Chester lang ang tao sa bahay nila nung araw na iyon, kaya nagawa ni Elisa ang kanyang plano.
"Chester, gusto kita, gustong gusto talaga kita... layuan mo na si Vanessa, tayo nalang dalawa.." ang sabi ni Elisa sabay yakap at halik kay Chester. Nakita ko iyon, At sinabi ko sa kaibigan ko ang ginawa ni Elisa.
Syempre tao lang si Chester at nagpadala sya sa tukso at sa mga pang-aakit ni Elisa sa kanya. Kung kaya't may nangyari sa kanilang dalawa.
Natuwa si Elisa dahil tagumpay ang plano niyang sirain ang relasyon ni Chester at Vanessa. Sabagay sino nga namang lalake ang hindi maaakit kay Elisa dahil bukod sa maganda na ay sexy pa, pero sa kabila ng kagandahan niya ay masama naman ang ugali at mahina ang utak. Lahat ng gusto niya ay kinukuha niya sa paraang alam niya kahit pa may tao siyang masasaktan.
itutuloy......
Blog RSS Feed
Via E-mail
Twitter
Facebook
0 comments:
Post a Comment