Hanapin ang Blog

Monday, September 19, 2011

Wallet

Sobrang pagod ang aking nararamdaman at ang sakit ng aking katawan.Ramdam ko ang pagod dahil sa aking trabaho. HIndi mahulugang karayom sa dami ng tao sa mall na pinagtatrabahuhan ko, dahil sa sale kaya gabi-gabi na ako nakauwi dahil nag-ayos pa kami ng mga paninda. Hindi ko inaasahan na sa aking pag-aaos ay may nakita akong wallet, ako nalang ang natitirang saleslady na nag-aayos ng gabing iyon, dahil ang mga kasama ko ay nagmemeryenda na, Hindi namang masama na tingnan ang laman ng wallet, kaya binuklat ko iyon lalaki ang may-ari ng wallet na iyon, may calling card, at may lamang sampung libong piso, mayroon ding mga nakaipit na papel. Inisip ko na ibigay sa aming Manager ang wallet na nakita ko, para maisauli ito sa may-ari. Ngunit nakauwi na pala ang aming Manager. Kaya kahit pagod ako pinilt ko pa ring hanapin ang address ng may-ari ng wallet dahil hindi ko sya makontak sa kanyang cellphone. Richard Jimenez ang pangalan ng may-ari. Agad ko namang natagpuan ang kanyang tinitirahan sa isang subdivision ng Pasay City sya nakatira. Agad akong nagdorbell. ding dong..... ding dong.... Pinagbuksan ako ng isang lalaki. " Magandang gabi po! " ang sabi ko, Kayo po ba si Mr. Richard Jimenez? "oo, ako nga.... bakit?" ang sabi niya. " Sir napulot ko po ang wallet niyo... naiwan nyo po sa pwesto namin, kaya naisipan kong puntahan kayo dito para isauli ito sa into.." (sabay abot ng wallet sa kanya) " Salamat sayo, kanina ko pa hinahanap ito... " Ok. lang po yun Sir... " Chard nalang itawag mo sa kin... Salamat nga ulit mahalaga kasi sa akin yung mga papel sa wallet ko eh, buti nalang ikaw ang nakapulot " (sabay ngiti) Umuwi na ako matapos ng aming kwentuhan, nakatulog ako sa sobrang pagod. Naghanda na rin sa pagpasok kinabukasan. Napanaginipan ko pa si Chard kagabi ang kanyang maamong mukha, talagang napakabait ni Chard at masayang kausap, parang walang problema. Mabuti nalang at gwapo ang nagmamay-ari ng wallet na napulot ko, pero hindi na ako aasa na magkikita pa kami. hinawan ko ang aking dibdib sadyang napaka lakas ng tibok nito. Crush ko na sya sabi ko sa isip ko sabay ngiti. Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho at nag-ayos ako ng mga paninda namin. Alas-otso ng umaga kami nagbubukas pero alas-siyete palang ay pumapasok na ako. Napansin ng mga kasama ko na masaya ako ngayon, kung kaya't pilit nila akong inuusisa. " Ana, napakasaya mo yata ngayon, mukhang may boyfriend ka na ahh... " (sabi sa akin ni Milleth) " Wala naman, may nakilala lang akong bagong kaibigan.. pero ang cute nya..." Itutuloy.........

0 comments:

Post a Comment